Sunday, December 6, 2009

bitter ka?

since nagkaron ng special awards for pagsisipsip ang aming nagmamagandang receptionist, naging issue na sa office kung sino ba talaga ang paborito at nabibigyan ng halaga.

and as usual, malungkot na naman ang iba, anong bago?  lagi naman.

syempre ako naman si sipsip din, magpapatalo ba ko?  e di humingi rin ako ng raise, tamang tama renewal ng contract haha!  super saya ko talaga pero wala akong mapagsabihan, kasi sabi ni mumu confidential daw yun, para hindi isipin ng iba na bakit sila narenew na lang at lahat lahat pero nadeny naman ang raise...

kaya sinolo ko na lang ang saya... and after a few days nagtanong naman ako kung pwede akong magbakasyon, kase christmas at new year gusto ko kasama ko si jared.

at ang bait talaga sakin ng Diyos, dahil kahit lagi akong me trouble these past few days, pinapayag nya pa rin si mumu.  grabe, super saya ko na naman!  pero pwede ko na syang ishare, kaya natuwa ako kasi masaya rin sila for me.

kaso nung nalaman na na meron akong raise, dun na nagkaproblema.  self-pity, inggit o whatever, dinededma ko na lang kase napapagod na ko magencourage.  paulit ulit.  at of all people, dapat makakaintindi sila di ba?

hindi ko naman kasalanan na maging paborito, nahihirapan din naman ako sa mood swings ng boss ko, ng mga out of this world na requests nila, at anytime-anywhere na pagiging secretary ko.

kaya pag mainit ang ulo nila dahil blessed ako, pinapabayaan ko na lang, kasi wala naman akong inaapakang tao para mag-apologize di ba?  ganito pa rin ako, sipsip nga lang...


super excited na ko, hindi ko pa rin maimagine na uuwi nga ako ngayong pasko!  grabe, hindi ako makatulog...  

No comments: