Wednesday, May 26, 2010

emo forever



hay nako, me umiiyak na naman sa tabi ko.

tatlong taon nya nang iniiyakan ang kanyang long, long, looong lost love pero hanggang ngayon di pa rin maka-get over! nakakaloka.  ako matagal na ang isang linggo pag naheartbroken ako, sya hanggang ngayon madrama pa rin ang buhay nya.

hindi ko iiyakan ang lalaki pag ganon ka-worthless OKAY?

ano ba yan? me mga tao ba talagang gustong gustong umiyak?  gustong gustong palaging feeling kawawa?  naaapektuhan na ko ha. buti dati andito si ariane o si irish para balance naman, me comedy at drama, pero ngayon... HINDI KO KAYA ANG POWERS NYA! nakaka-drainnnn...

ireremind ko ba sya na buntis ako at kailangan ko ng happy environment? my gasssszzz... nagsasawa na ako, sya hindi pa rin.

pls... pls lang... LET IT GO GIRL!



oo nga pala, photo from morguefile.com

No comments: