Sunday, June 13, 2010

its a girl!

simula nung bata pa kami, naglalaro kami ng sinulid, karayom at lapis para malaman kung ilan ang magiging anak mo at kung sinu-sino ang babae o lalaki.  meron pa ngang huhulaan ka daw kunyari, tapos dpeende sa ridges sa gilid ng palad mo e malalaman din kung ilan ang magiging junakis mo...

naisip ko lang, pano kung di magkapareho ang lalabas sa inyo ng asawa mo? haha, lagot sya...

so anyways, alam ko na kahit dati pa na lalaki talaga ang magiging first baby ko.  kaya ang confident ko non nung iniscan na ko ng radiologist dahil di pa man nya sinasabi, alam ko na (at kita rin ung tutuy bago pa man sya magsalita haha).  pero ngayon...



 di ako ganon ka-confident kahit alam ko sa loob ko na babae ang second baby namin.  lagi kasi akong natatalo pag nakikipagpustahan ako kay bambi.  kaya napasigaw talaga ako sa tuwa nung sinabi ng radiologist na babae sya!  babae po ang anak ko!  ang saya saya ko grabe!  



ngayon alam ko na na tama pa rin ang chinese lunar calendar :D



at ang pinakaexciting sa lahat?  MAGSHO-SHOPPING AKO NG MGA PINK NA BABY STUFF!!! aminin, ang sarap magshopping noon para kay jared dahil first baby at excited ka sa lahat ng mga nakikita mo sa mothercare, pero ngayon, mas excited ako kase ang dami-daming cute na gamit para sa babae!  i can't wait for my 8th month!  para masimulan na ang shopping!!!

3 comments:

Anonymous said...

pano po gamitin ung lapis,karayum at sinulid para malaman kung ilan magiging anak and kung ano gender ng first baby po thankz

Anonymous said...

thank u

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/