walang magawa.. nag susub ako sa receptionist namin...
Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.
Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
Ganyan talaga ang tao, pipilit-pilitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay
katotohanan.
Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok
sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili.
a mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.
Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
No comments:
Post a Comment