meron lang akong pinag iisipan at... hindi na safe magpublish sa facebook dahil andon na lahat ng pamilya mo. imagine pati mga 'bonus' na kapatid mo nakalink na rin sayo sa facebook. tatay. auntie. inlaws. old church friends. old classmates. kapitbahay. at yung mga nagbebenta na rin ng damit at sapatos.
bakit nga ba magkaiba ang priority ng nanay at tatay? ang nanay, ang priority - pamilya. ang tatay - pagpupundar.
ano ang mas pagsisisihan mo pag nawala sayo? kung pareho silang kailangan mo para mabuhay?
mag iipon ka nga para sa kinabukasan, pero hindi mo naman naranasan ang sarap na buo ang pamilya. sama-sama lalabas. o mag lalaro. magpa-park.
o sama-sama nga kayo, pero matitiis mo bang hindi kayo makakain... ok, hindi naman masyadong oa, matitiis mo bang hindi maibigay sa anak mo ang mga kailangan nya? yung pag tinitignan nya yung laruan ng ibang bata tapos (naexperience ko to nong bata pa ko) aantay sya ng turn nya maglaro, pero sandaling-sandali lang dahil kukunin na uli ng bata yung laruan nya?
di ba ang universal motto ng mga magulang ay "gusto kong maranasan nya yung mga hindi ko naranasan dati"...
major major confusion di ba?
hay.....
Saturday, August 28, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)